Monsour del Rosarioguest sa PSA Forum
MANILA, Philippines - Magiging panauhin ang mga opisyales ng Asian Indoor Martial Arts Games sa pamumuno ni Chef de Mission Monsour del Rosario ngayon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Golden Phoenix Hotel sa Diosdado Macapagal Ave sa Sunrise Drive sa Pasay City.
Makakasama ni Del Rosario, dating Olympian at kasalukuyang Congressman ng First District ng Makati, ang kanyang assistant na si Raymund Reyes at ang mga tournament directors ng pre-AIMAG tournament na nakatakda sa Mayo 29 hanggang Hunyo 2 sa Harrison Plaza.
Bibisita din sa public sports program na inihahandog ng San Miguel Corp., Golden Phoenix Hotel, Accel at Philippine Amusement and Gaming Corp. si MMA Fil-Am fighter AJ Matthews para sa kanyang darating na laban sa Bellator, ang pinakamalaking MMA organization sa buong mundo matapos ang UFC.
Ang 10:30 a.m. forum ay mapapakinggan nang LIVE sa DZSR Sports Radio 918.
Matapos ang sesyon ay magdaraos ang PSA ng kanilang eleksyon para sa mga bagong opisyales.
Hinihikayat ni PSA president Riera Mallari ng The Standard ang lahat ng miyembro na dumalo.
- Latest