Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pang-11 na ni James sa All NBA team

NEW YORK – Na-match ni Cleveland Cavaliers superstar LeBron James ang isang record sa kanyang pang-11th All-NBA First Team selection habang si Houston guard James Harden ay unanimous choice, ayon sa pahayag ng NBA nitong Huwebes.

Kasama rin sina Oklahoma City guard Russel Westbrook, San Antonio forward Kawhi Leonard at New Orleans center Anthony Davis sa elite squad na napili sa global media vote.

Walang kasama sa mga player ng Golden State Warriors sa first team.

Tinularan ni James sina Kobe Bryant at Karl Malone bilang tanging mga player sa NBA history na nakasama sa First Team  ng 11-beses.

Napili si Harden sa First Team sa lahat ng 100 ballots habang si Westbrook, pinantayan si Oscar Robertson bilang tanging player sa NBA history na nag-average ng triple double sa buong season, at James, nagtala ng career highs sa rebounds at assists at na-nguna sa liga sa minutes played, ay nailista sa 99 ballots habang si Leonard ay kasama sa 96.

Si David ay may 45 First Team votes laban sa 43 ni Rudy Gobert ng Utah para maungusan niya ito, 343-339 sa total points mula sa kanyang  limang first team votes, tatlo para sa second at isa para sa third team selection.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pasok si Harden sa First team sa ikatlong pagkakataon sa loob ng apat na taon habang sina Davis, Westbrook at Leonard ay second timers sa listahan.

Nag-average si Harden ng career highs na 29.1 points, 11.2 assists at 8.1 rebounds a game, nanguna sa assists at pumangalawa sa scoring para ihatid ang Rockets sa NBA third-best record na 55-27.

Nanguna si Harden sa NBA sa kanyang 746 free throws at may 262 3-pointers, ikatlo sa liga.

Si James, nasa kanyang ika-14 taon sa NBA, ay ranked eighth sa NBA sa kanyang 26.4 points a game at nag-average ng career highs na 8.7 assists at 8.6 rebounds.

Ang All-NBA Second Team ay kinabibilangan nina Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo ng Greece, Boston Celtics guard Isaiah Thomas, Gobert at dalawang miyembro ng Warriors na sina guard Stephen Curry at forward Kevin Durant.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: