Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Walang kapaguran si June Mar Fajardo

MANILA, Philippines - Bumalik kaagad si June Mar Fajardo matapos bumandera para sa matagumpay na kampanya ng Gilas Pilipinas sa katatapos lamang na SEABA Championships para tulungan ang San Miguel Beer na igupo ang NLEX, 114-108 na nagpalakas ng kanilang kampanya sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Bagama’t walang pahinga mula sa pag-lalaro para sa national team, walang bakas ng kapaguran si Fajardo na babad sa laro ng San Miguel bago ma-foul out, may 1:36 minuto na lang ang nalalabing oras sa laro.

Sa pakikipagtulungan kay Charles Rhodes na tumapos ng 37-puntos, lumakas ang tsansa ngBeermen  sa twice-to-beat advantage sa quarterfinals sa kanilang 6-1 win-loss record.

Hindi pa rin nakakatikim ng panalo ang sibak na sa kontensiyong Road Warriors matapos ang siyam na laro para mabaon sa ilalim ng standings.

Kumulekta si Fajar-do ng 12 points, apat na rebounds, dalawang assists at dalawang blocks para tulungan ang Beermen na makabawi mula sa pagkatalo sa TNT KaTropa Texters noong May 5. Wala na noon si Fajardo na naglalaro na para sa Gilas team.

“I’m saluting June Mar, he showed his professionalism. Even as he played hard in SEABA, he opted not to rest. And we really need him as this is a virtual must-win game for us,” sabi ni San Miguel coach Leo Austria. “This is a key win especially as we need some momentum going to our crucial games against Ginebra and Alaska. It’s a virtual playoff time for us.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Maagang umarang-kada ang Beermen na lumamang agad ng  24 puntos na kanilang napangalagaan patungo sa panalo na nagkaloob sa kanila ng liderato.

Samantala, dadako naman ang aksiyon ngayon sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City sa pagsasagupa ng Alaska at TNT Katropa sa ganap na alas-5:00 ng hapon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: