Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi natuwa si Kume kay Jamito

Hindi natuwa o hindi cute para kay PBA Commissioner Chito Narvasa ang gimik ni Barangay Ginebra rookie Jammer Jamito sa kanyang partisipasyon sa PBA All-Star slam dunk competition sa Lucena noong Biyernes.

“Hindi na makakaulit sa akin iyan,” ani Narvasa na ibig sabihin ay hindi na niya papayagan pang muli na masali sa dunking contest ang Ginebra forward na ito.

 Napatawa ni Jamito ang marami sa isang routine kung saan pinatayo niya si Japeth Aguilar sa harap ng court at umakmang lulundagan niya ang kanyang 6-foot-9 Ginebra teammate para sa isang sensational dunk.

Pero props lang pala ni Jamito si Aguilar.

Mula sa midcourt ay rumagasa ang bagitong Ginebra player at imbes na lundagan si Japeth ay nag-side step bago nag-take off para sa isang simpleng dunk.

Kagyat na nagtaka ang mga tao bago na-realize na nagpatawa lang pala si Jamito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ang siste, hindi nga kasama si Kume Chito sa mga natawa.

“Sinayang niya ang opportunity niya to show that he belongs,” ani Narvasa.

Seryoso at tunay na bakbakan rin ang gusto ni Narvasa sa All-Star Game. At ‘yon naman ang nangyari sa tatlong All-Star matches na ginanap sa Cagayan de Oro, Lucena at Cebu.

Ayaw niya ‘yung dating kalakaran ng mga All-Star players na bandying-bandying ang laro sa first three quarters at magseseryoso lamang sa laban sa huling quarter.

“Ayaw ko noon,” ani Narvasa.

“First, this is for the fans at dapat makapanood sila ng quality game. Secondly, they are called All-Star players and they have to prove that they belong. Dapat irespeto nila ang pagkakapili sa kanila na masali sa event na ito,” paliwanag ni Narvasa.

“Natuwa naman ako sa mga players dahil sinu-nod nila ang pakiusap ko. Walang nag-relax, lahat ay pumukpok talaga kahit wala naman suweldong naghihintay sa kanila dito,” dagdag ni Narvasa sa mga nag-participate na PBA players.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: