^

PM Sports

Thompson humakot ng 60 pts.

Pang-masa
Thompson humakot ng 60 pts.

Nailusot ni Klay Thompson ng Golden State ang kanyang layup laban kay Rodney Stuckey ng Indiana.

OAKLAND, California – Gusto pa sana ni Klay Thompson  ng isa pang quarter. Gusto niyang umiskor ng 80 at sa tingin niya, nagawa sana niya ito.

Nagtala si Thompson ng 60 points sa eksplosibong performance niya sa loob ng  29 minutes.

“Who knows? I know he would have kept shooting,” sabi ni coach Steve Kerr. “Klay’s never going to stop shooting.”

Ipinamalas ni Thompson ang NBA season-high at career-best performance para sa highest-scoring output ng Golden State player sa mahigit 42 taon nang ilampaso ng Warriors ang Indiana Pacers, 142-106, noong Lunes ng gabi.

Sa isang punto, walang masabi si Pacers coach Nate McMillan sa isang timeout sa kanilang bench.

Lalo namang binubuyo ni Thompson na itinataas ang kanyang kamay para sa sigawang  “KLAY! KLAY! KLAY!” ng paulit-ulit.

Matapos umiskor ng 60-points, umupo si Thompson, may 1:22 minuto pa ang natitira  sa laro para bigyan siya ng extended standing ovation.

“It’s just unfortunate two times I got my career high I didn’t get to play the fourth quarter,” sabi ni Thompson.

May 40 point na siya pagdating ng halftime sa loob lang ng 18-plus minutes.

Dalawang taon na ang nakakaraan nang umiskor si Thompson ng  37-points sa isang quarter para sa kanyang  52 points laban sa Sacramento.

Sinamahan ni Thompson sina Hall of Famers Wilt Chamberlain, Rick Barry at Joe Fulks sa listahan ng mga  umiskor ng 60 points.

Huli itong nagawa ni Barry sa kanyang 64 points noong March 26, 1974 laban sa Portland.

Umaasa si Thompson na makakagawa siya ng mas mataas na produksiyon.

“Maybe. I think I could have, maybe one day I’ll have the opportunity,” he said, “But 60 in 29 minutes is not too bad.”

Tumira si Thompson ng 21 for 33 at 8-of-14 sa 3-pointers - 15-of-22 na may limang tres sa unang dalawang quarters at nagpasok ng 10-of-11 free throws sa loob ng 29 minutes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with