^

PM Sports

Ika-3 sunod na panalo asam ng Globalport

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Itataya ng Globalport ang kanilang malinis na kartada sa pagharap sa wala pang panalong Alaska habang hangad naman ng Star Hotshots ang unang panalo sa pagharap sa NLEX Road Warriors ngayon sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Tangan ang 2-0 win-loss slate, haharapin ng Batang Pier ang Aces sa ganap na alas-4:15 ng hapon. Magtutuos naman ang Star Hotshots at Road Warriors dakong alas-7 ng gabi.

Ang Batang Pier lamang ang nanatili na wala pang talo sa dalawang laro kaya malaki ang tiwala ni coach Franz Pumaren na malalagpasan nila ang hamon ng Aces na hindi pa nakatikim ng panalo sa dalawang laban.

Unang pinataob ng koponan ni Pumaren ang Mahindra, 97-75 noong Nov. 25  sa pangunguna ni Terrence Romeo na humataw ng 29 puntos sa 9-of-13 shooting at 16 mula kay Stanley Pringle.

Ang ikalawang biktima ng Globalport ay ang Star Hotshots, 91-84 noong Biyernes kung saan si Pringle naman ang umarangkada sa kanyang 24 puntos at 18 naman mula kay Romeo.

Bukod sa kanyang 1-2 punch na sina Romeo at Pringle, sasandal din si Pumaren kina JR Quiñahan at Nino Canaleta, Mick Pennisi, Aaron Aban, Mike Cortez, Billy Mamaril, Rico Maierhofer at Anthony Semerad.

Sa panig naman ng Aces, target ni coach Alex Compton ang unang pa-nalo makaraang matalo sa NLEX Road Warriors, 97-99 noong Nov. 25.

Ito ay nasundan pa ng 88-93 talo sa San Miguel Beermen noong Sabado kung saan naglaro sila ng sampung players lamang dahil sa one-game suspension nina Vic Manuel at Ping Exciminiano ukol sa paglalaro sa labas ng liga at injury ni Calvin Abueva, Sonny Thoss, Noy Baclao at Rome de la Rosa.

Maglalaro na ulit para sa Alaska sina Manuel at Exciminano, ngunit hindi pa sina Abueva at De la Rosa dahil sa kanilang parehong injury na quadriceps at sina Thoss at Baclao sa pareho ring knee injury.

Pero ayon kay Compton, ang sitwasyon ay magbibigay daan para mabigyan ng extended playing time ang mga baguhan na sina Gilas rookie Carl Bryan Cruz, Marion Magat, JP Mendoza at Abel Galliguez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with