^

PM Sports

‘Di na pakakawalan ng Green Archers

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatangkaing kunin ng La Salle ang kampeonato ng seniors division ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Game Two ng kanilang best-of-three Finals series ng karibal na Ateneo na gaganapin sa Araneta Coliseum ngayong hapon.

Magsisimula ang laban sa ganap na alas-3:30 ng hapon.

Nanaig ang La Salle sa unang laban ng serye, 67-65 upang lumapit sa kanilang pang-siyam na titulo sa liga sa likod ng mahusay na endgame performance ng kanilang kapitan na si Jeron Teng at ng pang-labing anim na sunod na double-double ni Cameroonian center Ben Mbala.

Itinala ni Teng at Mbala ang 30 sa 45 puntos ng kanilang starting five noong Game One, kumpara sa 37 na ginawa ng starting five ng Blue Eagles na siyang pinakamalaking diperensya sa mga numero na pabor sa Green Archers.

Ito muli ang aasahan ni head coach Aldin Ayo mula sa kanyang dalawang go-to-guy, kabilang ang mga kontribusyon nina Thomas Torres, Kib Montalbo, magkapatid na Prince at rookie Ricci Rivero, at kapwa nito freshman na si Aljun Melecio na umiskor ng 12 puntos sa 4/7 three-point shooting galing sa bench noong Game One upang tapusin na ang serye at maiuwi ang kampeonato para sa pamantasan sa Taft.

Sa panig naman ng Ateneo, nais nilang maulit ang kanilang nagawa noong Nobyembre 5 sa second round ng eliminations ngayong taon, nang kanilang dungisan ang 12-0 rekord ng La Salle, para makahirit ng do-or-die, winner-take-all Game Three.

Kakailanganin ng Blue Eagles ng mas magandang simula sa laban ngayong hapon, matapos malama-ngan ng 16-2 sa first quarter ng Game One sa pamamagitan ng mas maayos na execution sa kanilang opensa at balanseng scoring mula sa kanilang mga starters at bench players.

Pamumunuan nina Aaron Black, Thirdy Ra-vena, Adrian Wong, Mike Nieto at rookie Isaac Go ang pagbawi ng Ateneo para mapalawig ang serye sa isa pang laban.

Bago ang Game Two, bibigyan ng parangal ang mga manlalaro na nagpamalas ng angking galing ngayong season sa awarding ceremonies na gaganapin sa ika-2:00 ng hapon, kung saan inaasahan na magwawagi bilang Most Valuable Player si Ben Mbala.

Pinangunahan ni Mbala ang lahat ng statistical ca-tegories ngayong taon maliban sa assists, para maging unang foreign player na manalo bilang UAAP MVP mula noong 1981. FML

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with