^

Pang Movies

Mga artistang kasali sa drug list, kakatukin na sa mga network!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mga artistang kasali sa drug list, kakatukin na sa mga network!
Joel Torre

Tatlong artista pa lang pala ang pumasyal sa PNP lab para magpa-drug test. Ito ay sina Mylene Dizon, Epy Quizon, and Joel Torre.

Ayon sa isang PNP insider, personal na nagtungo ang tatlo roon para patunayang malinis sila at walang bahid ng anumang klase ng droga sa katawan.

Bilang tugon din daw ito sa panawagan ni PNP Chief Bato dela Rosa sa mga artista na magpa-drug test or else baka pasyalan sila sa mga bahay-bahay o sa mga home studio nila.

At ayon sa katsika ko, ang drug test lang daw sa PNP lab ang ire-recognize ng tanggapan ni Gen. Bato. Hindi raw tatanggapin ang resulta ng mga drug test sa  private laboratory tests dahil duda dito ang mga opisyal ng PNP.

Nasa second phase na raw ang drug campaign ng bagong administration at kasama na raw sa move ng PNP ay ang pagbisita sa mga network para kalampagin ang mga artistang kabilang sa drug list na umano’y nasa kamay na ng Malacañang.

Patuloy umano ang panawagan ng PNP chief na magpa-drug test na sa kanila para mas maiwasan ang mala­king kahihiyan pag pinangalanan pa.

Ayon pa sa katsika ko, maraming sikat pero marami rin namang laos na ang kabilang sa listahan.

Iza big time ang mga kasamang judge sa Hanoi International Film Festival

Wow, member pala of board of jurors ng Hanoi Internatio­nal Film Festival ang actress na si Iza Calzado.

At lumipad na siya kahapon patungong Vietnam. Magiging jury siya sa Feature Length Films sa Hanoi Filmfest na gaganapin sa November 1 to 5.

Makakasama ng award winning, TV actress and host na mag-judge ang mga iginagalang at multi-awarded filmmakers tulad ng French director, producer and screenwriter Regis Wargnier (jury chair). Pinakamalaking tagumpay ni Wargnier ay nang tanghaling Best Foreign Language Film ang kanyang pelikulang Indochine noong 1993 sa 65th Academy Awards.

Ang iba pang jury members ay ang Holly­wood actress na si Geraldine Chaplin, one of India’s  fi­nest filmmakers Adoor Go­pala­krishnan, and Dao Ba Son, an educator and an award winning Vietnamese director. 

Kung sabagay wala namang magkaka-question sa achievements ni Iza bilang isang aktres. Bukod pa sa isa siya sa pinaka-maganda sa showbiz sa kasalukuyan.

 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with