^

Police Metro

Magkasunod na pagpatay sa magkapatid sa Makati ikinaalarma

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naalarma ang anti-crime group na Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa pagpatay kay Lauren Kristel Rosales, 27 may tatlong buwan na ang nakakalipas at kamakalawa ng gabi sa kapatid nitong si Petronio Rosales Jr., sa magkahiwalay na insidente sa Makati City.

Sinabi ni VACC founding chairman and president Dante Jimenez na tutulungan nila ang pamilya Rosales upang makamtan ang hustisya sa pagpatay sa magkapatid.

“Mag-e-extend kami ng assistance because in four month’s time po, first time in the history po ito nangyari sa VACC na dalawang member ng family pinatay heinously ng para umanong guns-for-hire. The police investigating should look deeper into this case,” wika ni Jimenez.

Ayon pa kay Jimenez na ang kaso ng magka­patid na Rosales ay nakakaalarm na nangyari sa termino ni President Duterte na kampanya ay laban sa kriminalidad.

Magugunita na si Petronio Jr. ay binaril ng hindi pa kila­lang lalaki na sakay ng isang motorsiklo noong Miyerkules ng alas-12:30 ng mada­ling araw habang naghihintay ng sasakyan pauwi sa kanilang bahay sa Barangay San Antonio Village, Makati City matapos itong mag-KTV bar bilang despedida dahil babalik na ito sa London.

Kamakailan ay umuwi ng bansa si Petronio Jr., upang magsagawa ng follow-up sa kaso ng pagpatay sa kapatid na si Lauren na binaril sa loob ng pampasaherong jeep noong Hulyo 21 sa panulukan ng  Reposo at J. P. Rizal Sts., Brgy. Poblacion.

Samantala, bumuo na ang Makati City Police ng isang task force sa kaso ng magkapatid na Rosales at posibilidad na ang naganap na pagpaslang kay Petronio ay may kinalaman sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Lauren.

Tinitingnan ng pulis­ya ang anggulong tulad ng posibleng away kamag-anak na may kinalaman sa mga ari-arian, personal at pag-ibig.

vuukle comment

SIBLINGS KILLINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with