^

Police Metro

De Lima kasuhan ng plunder

Gemma Garcia - Pang-masa
De Lima kasuhan ng plunder
Ayon kay Quezon Representatve at Minority leader Danilo Suarez, bukod sa plunder pinakakasuhan din nila si Senador Leila De Lima ng bribery at paglabag sa Dange­rous Drugs Law dahil sa pagiging protektor at coddler ng mga drug lords na sangkot sa trafficking ng illegal na droga.
Senate PRIB/Cesar Tomambo

MANILA, Philippines - Pinasasampahan ng kasong plunder si da­ting Justice Secretary at ngayon ay Senador Leila De Lima ng House Minority bloc.

Ito ang isa sa pinakamabigat na nilalaman ng isinapublikong minority report kaugnay ng isinagawang imbestigasyon ng House Committee on Justice sa kalakalan ng droga sa loob ng National Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Quezon Representatve at  Minority leader Danilo Suarez, bukod sa plunder pinakakasuhan din nila si De Lima ng bribery at paglabag sa Dange­rous Drugs Law dahil sa pagiging  protektor at coddler ng mga drug lords na sangkot sa trafficking ng illegal na droga.

Ayon kay Suarez na ang kanilang minority report ang magbibigay ng closure sa imbestigasyon sa NBP drug trade.

Kinokundena rin nila sa report ang kabiguan ng Justice Committee na isulong ang prosekusyon ng dating Kalihim sa kabila ng marathon hearing at  pagtestigo ng may 22 saksi.

Naniniwala rin ang minorya na dapat kasuhan ang Senadora ng plunder dahil sa rami umano ng drug money at suhol na natanggap nito sa mga drug lords.

Sa madalas din umano na pa-concert pa lamang ni Herbert Colanggo ay mayroon na agad si De Lima na isang milyon kada concert.

Kinuwestyon din sa  report ng minorya kung bakit walang naging aksyon ang Malakanyang noon para sitahin si De Lima  sa madalas na concert sa loob ng Bilibid bagama’t hindi umano nila intensyon na sabihing kumita rito ang mga taga palasyo noong administrasyong Aquino.

vuukle comment

PLUNDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with