^

Krema

Krema (3)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAG-ASAWA ka uli Tiyo?’’ takang-taka si Lex sa nalaman sa kanyang Tiyo Mon na nag-asawa uli ito. Sa tantiya niya ay sampung taon na itong biyudo.

“Oo. Wala namang masama dahil biyudo ako. Mahigit sampung taon nang patay si Delia.’’

Ang Delia na sinabi ng kanyang tiyo ay ang unang asawa nito. Sa pagkaalam niya, namatay sa sakit ang asawa nito. Wala silang anak. Hindi niya alam kung sino ang may deperensiya sa dalawa at hindi nagkaanak.

“Hindi naman siguro ma-gagalit ang kaluluwa ni Delia kung kumuha ako ng kapalit niya. Kailangan ko rin naman ang makakasama sa buhay. Mahirap kapag nag-iisa.’’

“Batambata ang asawa mo Tiyo.’’

“Oo. Disiotso lang yan.’’

“Kailan ka pa nag-asawa?’’

“Mga isang buwan na.’’

“Bakit hindi mo man lang ipinaalam sa amin ni Mama para nakapunta sa kasal mo.’’

“Ayaw ko ngang may ma­kaalam sa inyo dahil baka pagtawanan n’yo ako. Baka sabihin n’yo ay tandang-tanda ko na e nag-asawa pa. Ayaw ko nang maraming naririnig.’’

“Hindi naman sa ganun, Tiyo. Kung nalaman namin e di nakatulong sana sa’yo kahit kaunti.’’

“Hindi na. Hindi naman kami nagpakasal sa simbahan, huwes lang. Lihim nga. Ayaw kong mapabalita na nag-asawa uli ako.’’

Napartangu-tango na lang si Lex.

Nang biglang maalala ni Lex ang mga pasalubong sa kanyang tiyo. Inilabas ang laman ng plastic bag.

“May pasalubong akong imported Tiyo. Masarap ito. Suwabe ang hagod sa lalamunan.’’

“Talaga ha? Baka masarap pa riyan ang tuba ko. Di ba nakatikim ka na ng tuba?’’

“Oo Tiyo, masarap ang tuba. Hanggang ngayon ba ay nagtutuba ka pa rin?’’

“Oo, nangangarit pa rin ako. Pang-inom lang. Masarap yung galing sa bukid ay may iniinom na tuba.’’

“Subukan nating itong imported Tiyo. Masarap ito.’’

“Aba sige at magpapaluto ako mamaya ng pulutan natin. Gusto mo ba ang karekare na pugo, yung may tinadtad na puso ng saging?’’

“Aba masarap yun,  Tiyo. Yung maanghang?’’

“Oo. Sige at magpapaluto tayo kay Krema mamaya. Masarap magluto ang asawa ko.’’

Hinihintay ni Lex na ipakilala siya kay Krema pero tila wala pa sa isip ng kanyang Tiyo Mon.

“Ang mas maganda ay kumain muna tayo ng tanghalian. Tamang-tama dahil nagpaluto ako ng manok na ginataan. Bagumbago rin ang bigas na pinasaing ko.’’

Nakaramdam ng gutom si Lex.  (Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with