^

Police Metro

Parak timbog sa P500K shabu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang bagitong pulis at dalawa nitong kasama ang nadakip ng mga otoridad sa isang buy bust operation at nasamsam ang nasa P500,000.00 halaga ng shabu na naganap kamakalawa sa Cebu City.

Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina  PO1 Gem Querubin, 33, nakatalaga sa  Station 11 ng Cebu City Police; Sharon Abella, 32 at Chas Elnond Chavit, 23.

Batay sa ulat, bago nagsagawa ng buy bust operation ang mga pulis, dakong alas-11:15 ng gabi sa Sitio Pailob, Brgy. Sambang 2 ng lungsod ay nakatanggap ng impormasyon ang PRO 7 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7 hinggil sa illegal na aktibidades ng nasabing mga suspek na aktibo sa pagtutulak ng droga at agad isinailalim sa surveillance operation.

Nang makumpirmang positibo ang impormas­yon ay isinagawa agad ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nasamsam ang dalawang malalaking balot  ng shabu na tumitimbang ng 50.32 gramo na nagkakahalaga ng P 593,776.00.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with