NBA ring ibibigay ni Irving sa kanyang ama
CLEVELAND — Preparado na si Kyrie Irving para gawin ang isang ‘memorable pass’.
Sinabi ng Cleveland Cavaliers star point guard na ibibigay niya ang kanyang diamond NBA championship ring sa tatay niyang si Drederick.
“I give my dad almost everything,” wika ni Irving. “So, every accomplishment, every MVP award, every trophy that I’ve had since I was probably about 13 or 12, I’ve given to my dad.”
Si Irving ang nagsalpak ng krusyal na three-pointer sa huling dalawang minuto ng Game Seven para kumpletuhin ang pagbangon ng Cavaliers mula sa 0-3 pagkakabaon ng Golden State Warriors sa nakaraang NBA Finals.
Malapit si Irving sa kanyang ama na dating professional player sa Australia kung saan ipinanganak ang Cavaliers point guard.
Namatay ang ina ni Irving noong siya ay bata pa.
Kaya naman naging malapit si Irving sa kanyang ama.
Nakatakdang tanggapin ng mga Cavs ang kanilang NBA championship rings sa Martes laban sa New York Knicks.
- Latest