^

PM Sports

Preparasyon para sa Ateneo-La Salle game

Pang-masa

MANILA, Philippines – Bago ang kanilang inaabangang unang paghaharap sa Linggo, kapwa sasalang ang La Salle at Ateneo sa dalawang magkahiwalay na laro nga-yong hapon sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa MOA Arena.

Makakatapat ng nangungunang La Salle ang wala pang panalong UE sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Itataya ng DLSU Green Archers ang kanilang malinis na 5-0 panalo-talo kontra sa UE Red Warriors na hinahanap pa rin ang kanilang kauna-unahang panalo sa taong ito.

Para kay La Salle coach Aldin Ayo, dapat mag-ingat sila sa UE, dahil mas mahirap umanong kalaban ang koponang uhaw sa panalo.

“‘Yun nga ‘yung mas mahirap kalaban eh, ‘yung walang panalo. Kasi kapag naka-isa ‘yan, sunud-sunod ‘yan eh,” pahayag ni Ayo pagkatapos ng kanilang laro kontra sa Adamson.

Subalit inaasahan nang mahihirapan ang Red Warriors na tapusin ang winning streak ng Green Archers sapagka’t kailangan nilang mapigilan sina Cameroonian center Ben Mbala na nagtala ng double-double sa lahat ng kanilang laro dagdag pa rito ang kanyang presensya sa ilalim ng basket at ang kanilang kapitan na si Jeron Teng, bukod pa ang malalim nilang bench.

Umaasa ang Red Warriors kina Bonbon Batiller, Mark Olayon at dating JRU Heavy Bomber Alvin Pasaol upang buhatin ang kanilang koponan laban sa powerhouse line-up ng Green Archers.

Sa unang laro, magsasagupa ang Ateneo at UP sa unang edisyon ng “Battle of Katipunan” ngayong season.

Tatangkaing maitala ng Blue Eagles ang kanilang unang winning streak ngayong taon sa pangunguna ni Anton Asistio at Adrian Wong na makakatapat nina Jett Manuel, Paul Desiderio, at Dave Moralde ng Maroons. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with