^

PM Sports

Haharap sa Perpetual, San beda ang No.1

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinataob ng San Beda Red Lions ang Arellano University Chiefs, 80-73 upang manatili sa no. 1 position ng 92nd National Collegiate Athletic Association basketball tournament na ginanap sa Fil-Oil Flying V Arena ng San Juan City.

Ito na ang kanilang ikatlong panalo laban sa Arellano Chiefs sa taong ito at ito na rin ang ika-11th sunod na semifinal appearance ng Red Lions.

Pinangunahan ni AC Soberano ang koponan ni coach Jamike Jarin sa kanyang 26 puntos kabilang na ang anim na triples at anim na rebounds.

“This is good because you always want to go to the playoffs with a win,” sabi ni  coach Jamike Jarin. “That’s momentum coming in. So hats off to Arellano also for really playing well and fighting and I’d like to thank the 15 young men around me, the few coaches that we have and the admi-nistration for winning and making it to No. 1.”

Biglang humataw sina Jio Jalalon at Dioncee Holts ng mabilis na 11-0 run upang umabante ang Arellano Chiefs sa 33-23, ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa laro. Hindi rin nagpahuli si Dan Sara at nagpaulan ng dalawang sunod na  triples na siyang nag-umpisa ng San Beda rally at umangat sa 38-35 pagkatapos ng first half.

Sa playoffs ng juniors, nagwagi ang St. Benilde-LSGH Greenhills kontra sa Arellano Braves, 79-76, upang makuha ang ikatlong puwesto. Sa kanilang panalo, haharapin ng Baby Blazers ang Mapua Red Robins sa Final Four habang magtutuos naman ang top seed San Beda Red Cubs kontra sa Arellano Braves sa ibang semis match. Ang Red Cubs at Red Robins ay dala ang twice-to-beat advantage sa semis na mag-uumpisa na sa Biyernes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with