^

PM Sports

LeBron trading card aabot sa $200K?

Pang-masa

MANILA, Philippines – Karaniwan sa Amerika ang pagkokolekta ng mga baseball at basketball  trading cards na bumibenta ng libu-libu, daang-daang libo at ang iba ay umaabot pa ng milyong dolyar.

Karaniwang ibinibenta ang mga baseball cards at iba pang trading cards at ino-auction o subasta.

Kapag lumang-luma na o matagal na matagal na ang baseball card, mas mahal tulad ng baseball card ng alamat nang  si Honus Wagner.

Ngunit may trading card  na inaasahang mabebenta ng higit sa $200,000 sa gaganaping subasta pero ang kaibahan nito ay naglalaro pa ang player.

Ito ay ang basketball card ni LeBron James na lumabas noong rookie pa siya.

‘Di maikakailang si LeBron ang all-time great basketball player ngunit may mga kontra sa sobrang mahal ng basketball card na lumabas noong 2003

Tinawag ng  Sports memorabilia expert na si Ken Goldin ang LeBron card na “the Holy Grail of modern trading cards.”

May mahigit isang linggo pa bago idaos ang auction pero ang bidding ay umabot na sa $65,000.

Espesyal ang card na ito dahil hindi lang ito simpleng basketball card o ordinary rookie card dahil may pirma ito ni LeBron James.

Mayroon din itong patch ng NBA logo mula sa jersey ni LeBron. Kaya hindi lang ito basta basketball card kungdi ito ay “most valuable LeBron James collector’s item’ na mas mataas pa ang value sa may pirmang game-worn jersey. (Source: Via Cleveland.com, goldinauctions.com)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with