^

PM Sports

Guniguni paboritong manalo sa Juvenile stakes race

Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang balikatang karera ang masisilayan nga-yong hapon sa karerahan ng Metro Turf, Malvar-Tanauan, Batangas sa pagdaraos ng 2nd leg ng 2016 Philippine Racing Commission Juvenile Fillies & Colts stakes race.

Walong mga baguhang kabayo na nabibilang sa edad na dalawang taon ang pangunahing atraksyon para sa 1,400 metro distansiyang karera.

Ang mga ito ay ang Alupay Star na papatungan ni Claro s. Pare Jr., Maligaya na sasakyan ni Do-minador H. Borbe Jr., Guniguni na rerendahan ni Jonathan B. Hernandez, Battleground na dadalhin ni Jeff B. Bacaycay, Peeble Beach na gagabayan ni Jessie B. Guce, Eyeshot na igigiya ni Kelvin B. Abobo, Lafu Island na lalatiguhin ni Mark A. Alvarez at Divine Dancer na si Pat Dilema naman ang sasakay.

Naglaan ang Komisyon ng Karera ng P1 mil-yong papremyo kung saan ang mananalo ay pagkakalooban ng P600,000.

Sa runner-up ay P225,000 ang nakalaan at sa ikatlo ay P125,000. Mayroon ding P50,000 para sa fourth placer at dagdag na P30,000 na breeder’s purse.

Binibigyan ng mala-king tsansang manalo ang Guniguni na pag-aari ni Leonardo M. Javier Jr. dahil na rin sa impresibong panalo noong nakaraang Set-yembre 17.

Marami namang mga kalahok sa kada karera ang nagawan ng handicapping bureau. May nailagay din na mga ta-takbong dalawang taong gulang na kabayo sa unang karera.

Ang ipinalalagay na nakalalamang rito ay ang Hook’s Princess na rerendahan ni Jerico G. Serrano at ang mahigpit niyang kalaban ay ang Headmastership na si John Alvin Guce ang sasakay.

Sa mga tatlong gulang na kabayo naman ay nailagay sa ikali-mang karera. At dito ay tila nakalalamang ang Señorito Gelo na si Lester F. De Jesus ang magdadala. JMacaraig

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with