^

PM Sports

Matibay ang San Beda teams sa BEST

Pang-masa

MANILA, Philippines – Napanatiling malinis ng San Beda College-Ri-zal ang kanilang kartada sa Small Basketeers Phi-lippines at Passerelle events para banderahan ang dalawang basketball tournaments ng Best Center na itinataguyod ng Milo kamakailan sa Xavier School gym.

Giniba ng Red Cubs ang host Xavier-B (2-1), 53-37, para makasosyo ang La Salle Greenhills-A sa liderato ng Group A sa magkatulad nilang 3-0 kartada sa torneo.

Umiskor ang De La Salle-Zobel ng 53-40 pa-nalo sa Notre Dame of Greater Manila (0-4).

Ibinawi ng Xavier-A ang kabiguan ng kanilang sister team nang pabagsakin ang St. Mary’s College (0-4) sa iskor na 65-1 para sa kanilang 3-0 baraha sa Group B.

Binigo ng Lourdes School-QC (2-1) ang Marist School (1-2), 55-49, at iginupo ng San Sebastian College (2-1) ang La Salle Greenhills-B (1-3), 46-34, sa iba pang mga laro.

Tumabla naman ang DLSZ-A sa Ateneo magkapareho nilang 4-0 marka sa Group A ng Pase-relle mula sa 71-51 pagdurog sa Marist (1-3), habang itinala ng University of Santo Tomas ang una nilang panalo sa 51-40 pagdaig sa Clarey (1-2).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with