^

PM Sports

St. Clare namuno sa NAASCU

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dumiretso ang St. Clare College-Caloocan City sa kanilang ikatlong sunod na panalo matapos dispatsahin ang University of Pasay,  88-65, sa 16th  NAASCU  men’s basketball tournament sa RTU gym sa Boni Ave., Mandalu-yong City. 

Ang Saints, hangad mabawi ang koronang kanilang inangkin no-ong 2012,  ay muling na-kahugot ng all-around game kina Rafael Rebugio at Aristotle Dionisio para gibain ang Eagles at ilista ang 3-0 baraha sa 14-team  competition.

Tumapos si Rebugio na may 19 points, habang may 12 markers si Dionisio para sa Caloocan City-based team na nauna nang nanaig laban sa AMA University, 82-67, noong Agosto 25,  at sa Philippine Merchant Marine School, 85-62, noong Agosto 29.

Nagtala ang Saints ni coach Jinino Ma-nansala ng average na 20.3 points a game sa kanilang tatlong sunod na panalo.

Nag-ambag naman si Michael De Leon  ng 10 markers para sa St.  Clare.

Umiskor sina Edgar Erice, Jr. at  Francis Macasil ng 17 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with