^

PM Sports

Pacquiao sa taong 2017 magreretiro -- Arum

Russell Cadayona - Pang-masa

Sakaling manalo kay Vargas sa comeback fight niya sa Nobyembre 5

MANILA, Philippines – Sa susunod na taon ay inaasahan nang tuluyang isasabit ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang boxing gloves.

Ito ang tiniyak kahapon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa isang panayam ng BoxingScene.com

Ayon kay Arum, sakaling talunin ni Pacquiao si world welterweight king Jessie Vargas sa comeback fight nito ay dalawang laban ang ihahanda ni-ya para sa Senador sa 2017.

“If he wins this fight, we have the idea for a couple of big fights next year,” wika ni Arum kay Pacquiao. “And I think that will end his career with two more fights in 2017.”

Nauna nang nagretiro si Pacquiao noong Abril 9 matapos talunin si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang ikatlong paghaharap.

Ngunit kamakailan ay tinanggap ni Pacquiao  (58-6-2, 38 KOs) ang laban kay Vargas (27-1-0, 10 KOs) para sa kanyang comeback fight na itinakda sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Hangad ng 37-anyos na si Pacquiao na maagaw sa 27-anyos na si Vargas ang bitbit nitong World Boxing Organization welterweight crown.

Kasalukuyan nang nagsasanay ang Filipino bo-xing superstar para sa kanyang muling pag-akyat sa boxing ring.

Ayon kay Arum, dapat mag-ingat si Pacquiao laban kay Vargas.

“He is not an opponent who goes into his shell, who’s a defensive fighter, paglalarawan ni Arum sa Mexican-American fighter. “He’s very offensive, he is beginning to really punch with authority.”

Personal na maghaharap sina Pacquiao at Vargas sa isang press conference sa Setyembre 8 (US time) sa Beverly Hills, California para sa formal announcement ng kanilang laban.

Ang nasabing press luncheon ay gagawin sa Crystal Ballroom ng The Beverly Hills Hotel sa Beverly Hills.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with