^

PM Sports

President Duterte suportado ang Foton Pilipinas sa AVC

Pang-masa

MANILA, Philippines – Solidong suporta ang ibinigay ni President Rodrigo Duterte para sa darating na kampanya ng Foton Pilipinas sa AVC (Asian Volleyball Confe-deration) Asian Women’s Club Championship na nakatakda sa Setyembre 3-11 sa Alonte Sports Center sa Biñan City.

Nagtungo ang Tornadoes sa Malacañang noong Martes ng gabi para sa courtesy call kay Pangulong Duterte.

“Sports is my passion because it takes the youth away from (doing) drugs,” sabi ng Presidente. “I will try to watch your games if I have time. All I can say now is good luck and mabuhay kayo!”

Ang Tornadoes ay pinamunuan nina Philippine Superliga American imports Ariel Usher at Lindsay Stalzer kasama si Italian mentor Fabio Menta.

Naitanong ng Pangulo ang coaching record ni Menta.

At nang sumagot ang 54-anyos na Italian na 20 taon na siyang coach ay sinabi ni Presidente Du-terte na: “Oh good, I know we will win.”

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakipagkamay ang Pangulo sa mga miyembro ng national sporting delegation matapos buksan ang Palasyo sa mga athletes, coaches at officials na nagtungo sa Rio de Janeiro, Brazil para sa 2016 Olympic Games noong nakaraang buwan.

Bukod kina Usher, Stalzer at Menta, ang iba pang players na nagtungo sa Malacañang ay sina Jovelyn Gonzaga, Maika Ortiz, Rhea Dimacula-ngan, Jen Reyes, Ivy Perez, Patty Orendain, Carol Cerveza, Angeli Araneta at Jaja Santiago kasama sina team owner Rommel Sytin at team manager Joma Angulo.

Kaagad na makakaharap ng Tornadoes ang Po-cari Sweat ng Hong Kong sa Sabado kasunod ang pagsagupa sa Thongtin Lienvietpost Bank ng Vietnam sa Linggo.

Ang iba pang koponang mapapanood sa Asian club tournament ay ang NEC Red Rockets ng Japan, Bangkok Glass of Thailand, Altay VC ng Kazakhstan, Sarmayeh Bank ng Iran, Jakarta Elektrik ng Indonesia, Taichung Bank ng Chinese-Taipei, Ba’yi Shenzheng ng China, Malaysia at ang 4.25 Sports Club ng North Korea.

Ang hosting ng bansa sa event ay mula sa pagpupursige nina PSL president Ramon ‘Tats’ Suza-ra at league chairman Philip Ella Juico.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with