^

PM Sports

Red Lions itatapak ang isang paa para sa Final Four

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang patatagin ang kanilang pagkapit sa top two spots ang sisika-ping gawin ng Arellano University at San Beda College, habang mapa-lakas ang tsansa nilang makasingit sa top two ang hangad ng University of Perpetual Help sa second round ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena.

Magtutuos ang San Beda at Mapua ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng Arellano at Perpetual sa alas-2.

Isang  panalo lamang ang naghihiwalay sa namumunong Red Lions at Chiefs.

“That’s our goal, to make the Final Four first before we think of anything,” sabi ni San Beda coach Jamike Jarin.

Hindi naman nalalayo ang Altas na may 9-3 baraha at makakatapat ang Chiefs.

Tiyak nang magiging mahigpit ang labanan ng apat na koponang kabilang sa kasalukuyan sa Top 4 lalo pa at matindi na rin ang ginagawang paghahabol sa kanila  ng mga sumusunod na ko-ponang nasa ilalim na gusto ring makatuntong ng Final Four.

Bitbit ang kartadang 7-5  at nasa ikaapat na puwesto, halos humi-hinga lamang sa likuran ng batok ng Cardinals ang Jose Rizal University Heavy Bombers (7-6), habang malakas din ang bantang paglapit ng nagdedepensang Letran Knights (6-7), Lyceum Pirates (5-8) at ang rumaragasang San Sebastian Stags (5-9) at kahit ang EAC Generals (4-9).

Mahalaga sa bawat koponan ang panalo, partikular sa San Beda at Arellano na naghaha-ngad ng ‘twice-to-beat’  incentive na ibibigay sa top two teams.

Tiyak namang hindi basta papayag ang Altas na malaki ang tsansang sumingit sa dalawang koponang nasa itaas kung maipaghihiganti nila ang nalasap na 78-83 kabiguan sa Chiefs sa first round. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with