^

PM Sports

Texters kumakatok sa ‘twice-to-beat’

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa isang krusyal na turnover ay nagwakas ang three-game winning streak ng Batang Pier.

Pinalakas ng TNT Katropa ang kanilang tsansa para sa ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals nang lusutan ang Globalport, 122-120, sa 2016 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Co-liseum.

Tumapos si point guard Jayson Castro na may game-high na 37 points, tampok ang 6-of-11 sho-oting sa three-point range, at 8 assists, habang isinalpak naman ni Ranidel De Ocampo ang mahalagang jump shot sa huling 5.7 segundo para sa pang-pitong panalo ng Tropang Texters.

“We needed this win anyway, anyhow and we move on to the next phase,” sabi ni coach Jong Uichico sa TNT Katropa na nakabangon mula sa naunang kabiguan sa Mahindra.

Ang top four teams sa quarterfinals ang makakapitas ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 5,6,7 at 8 squads.

Nagwakas naman ang tatlong sunod na ratsada ng Globalport para sa kanilang 3-5 baraha.

Kinuha ng Tropang Texters ang 24-point lead, 46-22, sa 9:08 minuto ng second quarter hanggang makatabla ang Batang Pier sa 120-120 sa huling 41.7 segundo.

Ngunit ang passing error ni Pringle kay Jay Wa-shington sa huling 2.2 segundo ang tuluyan nang nagpaguho sa tsansa ng Globalport.

Nagdagdag si De Ocampo ng 17 points kasunod ang 14 ni Larry Fonacier.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with