^

PM Sports

Knights nakabalik sa pamatay na porma

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakabalik nang muli sa winning column ang nagdedepensang Letran matapos talunin ang College of St. Benilde, 57-40, sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena kahapon.

Lalo pang ibinaon ng Knights ang Blazers na sumadsad sa ika-13 dikit na talo matapos malimitahan sa season- low na 40 points na bumura sa dating record na 45 points na itinala nila kontra sa Perpetual.

“Siyempre, mala-king factor,” pahayag ni Letran coach Jeff Napa. “Hopefully ito ‘yung magbu-boost ng moral ng mga bata.”

Umiskor ng 13 points si Rey Nambatac para sa Knights na pinutol ang five-game losing skid nila at makaangat sa sixth place.

Tinapos naman ng Emilio Aguinaldo College ang four-game winning streak ng Jose Ri-zal sa iskor na 63-60.

Hindi umabot sa oras ang three-point attempt ni Heavy Bombers lea-ding scorer Teytey Teo-doro na maghahatid sa-na sa laro sa overtime matapos rebyuhin ng mga referee sa replay ang kanyang tira.

Inilagay naman ng JRU sa protesta ang laro matapos pirmahan ni skipper Jordan de La Paz ang scorebook pagkatapos ng laro.

Kinukuwestiyon ng  JRU ang hindi pagtawag ng foul laban kay Ge-nerals’ guard Jorem Morada na umano’y naging dahilan para magmintis si Teodoro.

Nagtala ng 26 points at 9 rebounds si forward Sidney Onwubere upang pangunahan ang Generals sa pag-angkin ng kanilang ikaapat na panalo at makabawi sa kanilang tatlong magkakadikit na pagkatalo.

Sa unang laro, pinalawig ng San Sebastian Stags sa apat ang kanilang ratsada matapos pabagsakin ang Ly-ceum Pirates, 77-69, sa likod ng 25 points ni rookie guard RK Ilagan. FMLumba

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with