^

PM Sports

Jose ‘magic hugot’ para sa Accelerators

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaasahang magi-ging isa si Far Eastern University big man Raymar Jose sa mga pa-ngunahing manlalaro ng Phoenix sa mga dara-ting na panahon.

Isinama sa line-up ng  Accelerators nga-yong second confe-rence ang 6-foot-4 na si  Jose na  naging pampuno sa kakulangang  nais nilang punan nang tulungan niya ang koponan para makumpleto ang season sweep sa pamamagitan ng pag- angkin sa 2016 PBA D-League Foundation Cup title kontra sa Tanduay noong Huwebes.

“Sobrang big factor siya at kita mo naman ‘yung outcome,” sabi  ni coach Eric Gonzales kay Jose.

Nagsilbing reserve sa halos kabuuan ng  conference, ginamit ng  Phoenix si Jose sa Game Three para palakasin ang kanilang frontline.

“Kahapon lang ako sinabihan,” ayon kay Jose. “Nasa dorm ako nang sinabihan ako ni coach (Gonzales) na ready lang ako kasi wala ‘yung isang kasama ko at naka-lineup din naman ako.”

Wala namang sina-yang na oras si Jose nang bigyan ng pagkakataon at isama ni Gonzales sa first five.

“For the last three years, he has been with the team also. Sabi ko kay Ed (Daquioag), hin-di ko muna siya i-start. Start muna ako ng all-FEU para solid ‘yung start. Si Toto ‘yung hinihintay kong looper na ni-request ko sa FEU na paglaruin,” kuwento pa ni Gonzales.

Nakipagtulungan si Jose sa mga kapwa ni-ya Tamaraws para sa mainit na panimula ng Accelerators na lumamang ng 20 puntos sa first half na nagtuloy para maitala ang 87-78 panalo kontra sa Rhum Masters. (FMLumba)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with