^

PM Sports

Canino, Capilitan kampeon sa Shell Active Chess

Pang-masa

MANILA, Philippines - Winalis ni Romeo Canino ang huli niyang tatlong laro para angkinin ang juniors crown, habang napasakamay ni Euniel Capilitan ang kiddies title ng katatapos na 24th Shell National Youth Active Chess Championship’s Northern Mindanao leg sa Cyberzone ng SM City Cagayan de Oro noong Linggo.

Dinomina ni Canino, may kalahating puntos na agwat kay Aaron Caresosa matapos ang anim na rounds, ang huli niyang tatlong laban kasama ang panalo sa final round kontra kay Marc Villarojo, para hiranging solo champion ang Liceo de Cagayan University stalwart sa 13-16 category sa kanyang 8.5 points.

Pumangalawa naman si Aldin Ranario ng MOGCHS kay Canino papasok sa huling tatlong rounds ng Swiss system tournament na itinaguyod ng Pilipinas Shell, sa kanyang 8 points at makamit ang isa pang tiket para sa national finals.

Tumapos sa ikatlo si Caresosa sa kanyang 7.5 points at nabigong makaabante sa grand finals na magtatampok sa mga top finishers ng five-leg nationwide elims na may basbas ng National Chess Federation of the Philippines.

Inangkin naman nina Capilitan at Kiel Villa ang top two posts sa national finals sa 7-12 age division na pinamahalaan ng estudyante ng Fr. William Masterson Elementary School sa kanyang 8.5 points.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with