B-day ni Kobe ipinagdiwang ng LA
LOS ANGELES — Lubhang naging abala si Kobe Bryant sa kanyang retirement.
Noong Lunes ay pinatunog ng Los Angeles Lakers legend ang opening bell sa New York Stock Exchange para ilunsad ang kanyang $100 million venture-capital fund.
Kinabukasan ay ipinagdiwang naman niya ang kanyang ika-38 kaarawan at noong Miyerkules ay nagbalik siya sa lungsod kung saan siya nanalo ng limang NBA titles.
Idineklara ng Los Angeles City Council ang Aug. 24 bilang “Kobe Bryant Day.”
Ang petsa ay simbolo ng dalawang jersey numbers (8 at 24) na isinuot ni Bryant sa kanyang 20-taong paglalaro sa Lakers.
Maraming Lakers fan ang nagtungo sa City Council chambers na sumisigaw ng “Ko-be, Ko-be, Ko-be,” habang isa-isang nagbigay ng parangal ang mga opis-yal ng lungsod sa pa-ngunguna ni Mayor Eric Garcetti.
“Kobe Bryant has taught all of us in Los Angeles, that this city has a fighting spirit,” ani Garcetti. “It doesn’t matter how down you are, it doesn’t matter what hardships you face. Keep showing up, keep practicing and, yes, keep winning.”
Ang bawat council member na dumalo ay may personal story tungkol kay Bryant at kung ano ang kanyang kaha-lagahan sa City of Angels.
“No matter where you live in L.A. throughout our incredibly diverse city, when Kobe Bryant and the Lakers were playing, we were all Angelenos, united watching greatness the likes of which we will rarely see again,” sabi ni Council member Jose Huizar.
- Latest