^

PM Sports

ASAN na ang mga local big man?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Ramdam na ng marami ang masamang bunga ng proliferation ng malalaking foreign players sa Philippine collegiate basketball.

Hindi na naka-develop ng malalaking local talents at dahil dito, malaki ang kakulangan ng centers at big forwards para sa ating national team.

Sinimulan ng San Beda ang pag-recruit ng imported big man sa katauhan ni Sam Ekwe at nagsunuran na ang halos lahat. Nawalan ng puwesto ang mga homegrown “bigs” kaya naman kulang na kulang ang pagkukunan ng prospects para sa national team.

Nito lang nakaraang SEABA Championship, di ba’t kailangan pang hiramin si Troy Rosario sa TNT ball club upang magkaroon ng matibay na sentro si Gilas cadet coach Nash Racela?

Sa nakaraang Jones Cup, puro imports (Hamady N’Diaye, Vernon Macklin, Troy Gillenwater at Al Thornton) din ang frontliners na inilaban ng Mighty Sports ni coach Bo Perasol.

Ang siste ay puro imports pa rin ang mga naglalabang big men sa kasaluku-yang NCAA tourney at ganoon din sa padating na UAAP season.

Pagkatapos ng grupo nila June Mar Fajardo, Raymond Almazan at Ian Sangalang, mukhang maghihintay ng matagal ang PBA upang makakuha ng magandang harvest ng big men para sa annual Rookie Draft.

Ganoon din ang Gilas Pilipinas na kailangang umasa sa naturalized player upang may ipanglabang matibay na big man sa international competition.

***

Abot tenga ang ngisi ni coach Dennis Alemania matapos ang winning debut ng Team Bagbaguin versus Team Polo, 69-46 sa 2nd Rex Gatchalian basketball tournament sa Valenzuela.

Si Jonel Brimbuela Abagon, Gretel Manuel, Ren Loyola, Cedie Estacio at Botchok Lorenio ang nanguna sa initial na ratsada ng koponan na suportado nina barangay kagawad Michelle Gregorio at Daki Macandog. Ang Team Bagbaguin ay binubuo ng mga standouts sa katatapos na Bagbaguin sports fest na hatid ni barangay chairman Aby Tolentino dela Cuesta.

Hangarin ng event na ito na makatulong din sa pag-identify ng potential talents para sa collegiate basketball o national youth.

Sa Maysan, na isa ring barangay sa Valenzuela, magdidiwang ng kanilang birthday ngayon si Kapitan Danilo Cantillon at Thess Sabino-Francisco. Nag-o-offer ng toast si Kandong Pabaya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with