^

PM Sports

Phoenix ang kampeon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinanghal na kampeon ang  Phoenix matapos ang 87-78 panalo sa deciding Game 3 sa pagtatapos ng 2016 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Isinalansan ni Conference MVP Mike Tolomia ang 9 sa kanyang kabuuang 21-puntos na output sa fourth quarter na sinamahan pa niya ng  7 rebounds at 4 assists para mapangunahan ang Accelerators habang umiskor naman si Mac Belo ng double-double 14 puntos at 10 boards habang nag- ambag si Ed Daquioag ng 10 puntos.

Pero si Raymar Jose ang naging susi sa panalo  ng Phoenix nang pangunahan nito ang 32-17 panimula para lumamang ang Accelerators ng hanggang 20 puntos.

“Sanay na kami sa mga ganitong laro na maaga kaming lumalamang pero nahahabol kami. Ang maganda lang sa team, mabilis kaming nakakabalik dahil tulung-tulong kami para maibalik yung momentum and eventually makuha yung panalo,” wika ni Tolomia.

Hindi naman basta-basta sumuko ang Tanduay sa pamumuno nina Val Acuna at Rudy Lingganay kung saan natapyas nila ang kalamangan hanggang tatlo, 66-63 sa fourth quarter.

Subalit  nag-takeover naman sina Belo at Tolomia mula doon  hanggang matiyak ang kanilang panalo.

Nagtapos si Belo na may double-double na 14 markers at 10 boards habang nagparamdam rin ng lakas si dating University of Santo Tomas standout Ed Daquioag na sumakmal ng 10 puntos at limang assists.

“Na-experience na namin yung mga ganoong games na luma-lamang kami tapos nahahabol,” ayon kay Tolomia. “Basta nag-stay together lang kami as a team sa defense and kahit nag-struggle kami offensively, basta sama-sama kami, kaya naming manalo.”

Topscorer  si Jaymo Eguilos para sa Tanduay na may 16 puntos at 6 rebounds. (FML)

PHOENIX 87 - Tolomia 21, Belo 14, Daquioag 10, Escoto 9, Jose 9, Andrada 6, Mendoza 6, Inigo 5, Pogoy 4, Tamsi 3, Colina 0.

Tanduay 78 - Eguilos 16, Celda 14, Acuna 13, Alolino 13, Lingganay 10, Ferrer 7, Belencion 3, Gotladera 2, Javillonar 0, Mendoza 0, Santos 0, Tagarda 0.

Quarterscores: 32-17, 48-34, 65-56, 87-78.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with