^

PM Sports

Foton nalo sa RC Cola-Army

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinabagsak ng Grand Prix champion Foton ang four-time titlist RC Cola-Army, 18-25, 25-15, 25-17, 23-25, 15-9 para sa kanilang unang panalo sa second round ng 2016 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference women’s volleyball tournament na dumayo sa La Salle Lipa Sentrum sa Batangas kahapon.

Ipinalasap ng Tornadoes ang ikalawang sunod na talo sa Lady Troopers.

Pinangalanan naman si PSL Ambassador Mika Reyes ng F2 Logistics bilang ikapito at huling miyembro ng Magic 7 na maglalaro sa FIVB Women’s Club World Championship na gaganapin sa Oktubre.

Makakasama ni Reyes sa PSL All-Star Team sina Kim Fajardo ng F2 Logistics, Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga ng RC Cola-Army, Jen Reyes at Ces Molina ng Petron at Jaja Santiago ng Foton.

Matapos ang kanilang nakakadismayang laro noong Linggo, nakabawi ang Cignal HD Spikers matapos pataubin ang Lady Altas-powered Amy’s Spikers 14-25, 25-17, 25-13, 25-14 sa unang laro.

Matapos mabigo sa opening set, bumalikwas ang Cignal at winalis ang sumunod na tatlong sets para makamit ang panalo.

“Tinanong ko sa kanila kung alam ba nila ‘yung salitang pride,” ani Cignal head coach Sammy Acaylar. “Umoo naman sila kaya sabi ko ipakita naman nila. Walang-wala kami sa laro dapat at this point hindi na nangyayari sa amin ‘yun.”

Maganda naman ang naging pagresponde ng kanyang team dahil na-ging agresibo ang kanilang laro na nagresulta sa una nilang panalo. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with