^

PM Sports

San Beda diretso sa 7-0

Pang-masa

MANILA, Philippines - Napanatili ng San Beda College ang kanilang malinis na karta matapos magwagi kontra sa Mapua Institute of Technology, 85-72 sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena kahapon.

Matapos mabura ng Cardinals ang 20 puntos na kalamangan, 62-42 ay nagpakita ng composure at “winning mentality” ang Red Lions sa fourth quarter para maibaba sa anim ang kanilang kalama-ngan, 80-74 may 1:51 ang nalalabi sa laro.

Nakaiskor ng key baskets sina dating De La Salle Green Archer Robert Bolick at rookie forward Davon Potts upang makalayong muli sa Cardinals at maipanalo ang laro para sa Red Lions.

Nagtala ng game-high na 25 puntos si Potts habang tumapos naman ng 10 puntos, 12 rebound, at 8 assist si Bolick. May double-double rin si Javee Mocon na tumapos ng may 14 puntos at 10 rebound para sa ikapitong sunod na panalo ng SBC Red Lions.

“I wanna win for my teammates, I wanna win for San Beda, I come in every game wanting to win,” pahayag ni Potts.

Gumawa naman ng 21 puntos at 20 rebound si reigning MVP Allwell Oraeme para sa Cardinals na nalasap ang kanilang ikalawang talo sa pitong laro.

Sa unang laro, na-naig naman ang defending champion Letran kontra sa Jose Rizal, 67-62 sa pangunguna ng kanilang leading scorer ngayong season na si Rey Nambatac.

Itinala ni Nambatac ang 15 sa kanyang 29 na puntos sa fourth quarter upang pangunahan ang Knights sa kanilang ikalimang panalo sa kabuuang pitong laro.

“At least nagawa naman ‘yung mga dapat naming gawin,” paha-yag ni Letran coach Jeff Napa. “Total team effort naman talaga ‘yung nangyayari eh, kahit na 29 points siya (Nambatac).”

Nasayang naman ang 27 puntos ni Paolo Pontejos galing sa bench, habang umiskor lamang ng apat na puntos ang kanilang leading scorer na si Teytey Teodoro na naglaro lamang ng 10 minuto para sa Heavy Bombers na lalaglag sa 2-4 baraha.

Sa juniors division, tumabla sa liderato ang defending champion na San Beda (7-0) matapos talunin ang Mapua (5-2) 86-84, habang nasungkit naman ng Letran ang kanilang ikaapat na panalo (4-4) kontra sa JRU (2-6) sa iskor na 74-63. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with