^

PM Sports

Miss na ni Manny ang boxing ring

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inamin ni dating eight-division world champ Manny Pacquiao ang kasabikang muling lumaban sa ibabaw ng boxing ring matapos magretiro noong Abril 9.

“Aaminin ko, boxing is my passion, d’yan talaga  ako lumaki, hilig ko talaga ‘yan nami-miss ko ang boxing,” sabi ng 37-anyos na si Pacquiao matapos ang panalo ng kanyang Mahindra laban sa San Miguel Beer sa 2016 PBA Governors’ Cup noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum para makuha ang solo lead.

“Pangalawa, karangalan ko na nagbibigay ako ng karangalan sa ating bansa,” dagdag pa nito.

Nauna nang inihayag ni Top Rank boss Bob Arum ang Nov. 5 comeback fight para sa Pinoy superstar.

Ilan sa mga pinagpipilian ni Arum na itapat kay Pacquiao ay sina WBO welterweight champ Jessie Vargas at WBO light welter king Terence Crawford.

Sinabi ni Pacman, halos wala pang isang buwan sa kanyang trabaho bilang Senador na wala pa siyang opisyal na desisyon.

“Hindi ko pa nakakausap si Bob Arum saka I just want to make sure na bakasyon ng session matapat iyun,” sabi ni Pacquiao.

Ibinigay kay Pacquiao sa Senado ang chairmanship ng committee on public works at sports.

“Basta hindi maaapektuhan ang pagtrabaho ko, ang pagserbisyo ko sa bayan, yun ang sinisiguro ko,” wika nito.

Kung matutuloy ang kanyang comeback fight ay gagawin niya ang training sa isang gym malapit sa Senate building sa pagitan ng mga sesyon.

Kung si Jinkee naman ang tatanungin ay ayaw na niyang muling lumaban ang asawang si Pacquiao.

“Kung ako,  sana wala na, pero sa akin lang ‘yun. Suggestion ko lang sa kanya pero kung gusto niya maiintindihan ko,” ani Jinkee. (OL)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with