^

PM Sports

Mahindra na-inspire sa pagbisita ni Manny

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi nasayang ang pagbisita ni Sen. Manny Pacquiao sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Itinala ng Enforcers ang kanilang franchise best start na 3-0 matapos gulatin ang nagdedepensang San Miguel Beermen, 105-103 para solohin ang liderato ng 2016 PBA Governor’s Cup sa harap ni Pacquiao, ang kanilang playing coach.

Tumapos ang 22-an-yos na si James White, nasa kanyang unang international stint na may 34 points at 11 rebounds para sa ikatlong sunod na arangkada ng Mahindra.

“Our guys showed our fortitude just like our other games. We treated it as a playoff game,” sabi ni rookie coach Chris Gavina. “Great effort from our guys, their sheer determination and level of consistency is there.”

Nalasap ng San Miguel ang una nilang kabiguan matapos ang 2-0 panimula.

Matapos ang split ni June Mar Fajardo ay nagkaroon ang Beermen ng  tsansang angkinin ang panalo nang maagaw ni Cabagnot ang pasa ni LA Revilla sa natitirang 20 segundo.

Subalit sa halip na tumawag ng timeout para sa Beermen ay mas pinili ni Reid, umiskor ng 43 points, na tumira sa three-point line na iniluwa ng ring.

Samantala, naglaro naman ang NLEX laban sa Barangay Ginebra kagabi na wala si vete-ran center Asi Taulava na napatawan ng PBA ng one-game suspension at multang P32,500.

Ito ay dahil sa kanyang panunulak kay Beermen forward David Semerad matapos ang hard foul nito kay Road Warriors import Henry Walker noong Biyernes.

Si Taulava ay tinawagan ng technical foul para sa second motion na nagkakahalaga ng multang P2,500, isang flagrant foul penalty 2 na may katumbas na (P20,000 at dagdag na P10,000 “for joining the fracas instead of pacifying the protagonists.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with