^

PM Sports

Olympic gold

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Malapit na ang Olympic Games.

Gagawin ang quadrennial summer Olympics sa Agosto 5-21 sa Rio de Janeiro sa Brazil.

Nakarating na doon kahapon ang anim sa 12 atletang lahok ng bansa.

Sa mga atletang ito, walang masasabing tunay na panlaban sa pinakaaasam-asam nating Olympic gold medal.

Taong 1924 nang unang maglahok ang Pinas ng Atleta sa prestihiyosong kompetisyon na ito kung saan ang pinakamahuhusay na atleta sa buong mundo ang maglalaban-laban.

Silver Medal pa lamang ni Mansueto Velasco noong 1996 Atlanta Olympics ang pinakamataas na medalyang naiuwi ng isang atleta mula sa Olympics.

Paunti na rin nang paunti ang nagku-qualify na atletang Pinoy sa quadrennial summer event.

Ang pinakamarami nating lahok ay 53 noong 1972 Munich Olympics. Noong 2000 Sydney Olympics, 20 ang lahok ng Pinas, 16 noong  2004 (Athens), 15 noong 2008 (Beijing) at 11 noong 2012 London Olympics.

Nadagdagan lang tayo ng isang atleta ngayong taon ngunit walang garantiya sa 12 atletang ito na matitikman na natin ang kauna-unahang gold medal sa Olympics.

Everybody happy kung may papalaring atleta na manalo ng Olympic gold.

Ang taong: bakit nga ba hanggang ngayon ay ‘di pa tayo nananalo ng medalya?

May mali, may kulang sa ginagawa ng mga atleta.

Sabi ni American businessman-sportsman Jim Lafferty na siyang utak ng Adopt an Olympian program ng Philippine Track and Field association (PATAFA), kailangan ng “wholistic approach sa training ng mga atleta.

Hindi sapat ang bigyan lamang ng international exposure ang mga atleta, training venue at iba pang regular nilang nakukuha. Kailangan na ngayon ng scientific method ng training. Tamang nutrition, strength and conditioning at higit sa lahat ay financial support.

Isang example na ibinigay ni Lafferty ay ang 31-gulang na si Michael Phelps, ang premyadong swimmer ng USA na may pitong world record sa swimming, nanalo na ng kabuuang 18 Olympic medals  na maaari niyang dagdagan sa darating na Rio Olympics.

Si Phelphs ay nakakakuha ng $1-milyon (katumbas ng mahigit P40 milyon) kada-taon para sa kanyang intensibong training samantalang ang elite athlete ng Pinas ay sumasahod ng P40,000 kada-buwan… Ang layo.

Gayunpaman…. umaasa tayong may magandang mangyayari sa Rio Olympics…

Go Philippines!!! Laban! Puso!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with