^

PM Sports

Philippine 3-on-3 team bigo sa Qatar pero...

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi kinaya ng Team Philippines ang lakas ng world champion na Qatar matapos makalasap ng 9-21 pagkatalo sa gold medal round ng 2016 FIBA 3x3 Under-18 Asian Championships sa Gem-In shopping mall sa Cyberjaya, Malaysia.

Dahil dito ay nahubaran ang bansa ng korona at nakuntento na lamang sa silver medal.

Sa kabila nito ay makakapaglaro pa rin ang mga Pinoy cagers sa FIBA 3x3 U18 World Championships sa Global Center sa Chengdu, China.

Matapos matalo sa Qatar, 15-21, sa una nilang laban sa elimination round ay magkakasunod na pinatumba ng koponan nina John Clemente, Kyle Christian Tan, John Martin Galinato at Rhayyan Amsali ang South Korea (21-9), Japan (21-17) at Vietnam (21-6) sa eliminasyon.

Giniba naman ng tropa ang Indonesia, 21-16 sa quarterfinals at isinunod ang Malaysia (21-20) sa semifinals.

Tinalo naman ng Qatar ang Japan, 21-7 sa isa pang semis game para itakda ang kanilang championship match ng mga Pinoy.

Sa women’s division, nabigo naman ang grupo nina Kristine Cayabyab, Mary Ann Cayabyab, Jenilyn Gamboa at Cristel Mae Dizon na makapasok sa quarterfinals sa likod ng kanilang 0-4 kartada sa group stage.

Yumukod ang mga Pinay laban sa Sri Lanka (13-15), Japan (11-15), Vietnam (14-21) at Kyrgyzstan (17-21).

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with