^

PM Sports

Ika-3 Tour De France title ni Froome

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilagay ng Briton cyclists na si Chris Froome ang kanyang sarili bilang isa sa mga greatest Tour de France riders nang makopo nito ang kanyang ikatlong titulo noong Linggo matapos ang tatlong linggong karera.

Ang German na si Andre Greipel ang nanguna sa 21st at pinakahuling stage na 113-km na nagmula sa  Chantilly at natapos sa Champs Elysees sa Paris.

Hindi naging hadlang sa Team Sky rider na si Froome ang dalawang beses nitong pagbagsak at nag-jogging pa sa isang akyating ruta sa kabundukan para masundan ang kanyang mga panalo noong 2013 at maging unang rider na maidepensa ang titulo na huling nagawa ng Spaniard na si Miguel Indurain noong 1995.

Pitong sunod na taong nanalo si American Lance Armstrong mula noong 1999  ngunit binura sa winners’ list matapos umamin sa doping.

“This tour has obviously taken place against the backdrop of terrible events in Nice and we pay our respect again to those who lost their lives,” sabi ni Froome patungkol sa insidente kung saan 84 tao ang namatay nang mapuwersa ang isang trak na sagasaan ang mga nanonood sa Bastille Day sa tabing dagat sa Riviera city.

“Of course these kinds of events put sport into perspective but they also show why the values of sport are so important to free society.”

Pumangalawa si Frenchman Romain Bardet na may 2:52 minutong distansiya sa likod ni Froome na may 4:05 lead bago ang final stage ngunit nagkamali ito ng liko sa isang sangang daan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with