^

PM Sports

SBC Red Cubs diretso sa ika-6 panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Umarangkada ang reigning titlist na San Beda College sa kanilang ika-anim na sunod na panalo matapos igupo ang San Sebastian College, 74-66 sa pagpapatuloy ng NCAA Juniors basketball sa The Arena, San Juan City.

Umiskor ng 30 puntos at 14 rebounds si Sam Abu Hijle para  pangunahan ang naturang panalo ng Red Cubs na lalong nagpalubog sa Staglets sa ilalim ng team standings matapos malasap ang ikapitong sunod na talo.

Pinangunahan naman ang Staglets ni Wendell Binarao na nagposte ng 25 puntos.

Sa isa pang laban, umangat sa ika-4 na puwesto ang University of Perpetual matapos maangkin ang ika-apat na panalo kontra sa Letran, 88-68.

Nagsalansan  ng kabuuang 23 puntos at 10 rebounds si Jielo Razon upang mamuno sa naturang panalo ng Junior Altas na nag-angat sa kanila sa 4-3, panalo-talo.

Namuno naman para sa Squires na nahulog sa kabaligtarang rekord na 3-4 si Kiefer Cordero na may 15 puntos at 8 rebounds.

Sa ikatlong laro, pinabagsak ng St. Benilde ang Jose Rizal, 70-63 para samahan ang Perpetual Help sa No. 4. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with