Mbala nagbida para sa panalo ng DLSU sa Ateneo
MANILA, Philippines – Nagpasabog si Benoit Mbala ng 28 points para pangunahan ang La Salle sa 98-66 pagdurog sa Ateneo patungo sa pagdakma sa outright quarterfinals seat sa 2016 Filoil Flying V Preseason Premier Cup sa The Arena sa San Juan kahapon.
Nagdagdag din si Mbala ng 16 rebounds at 3 blocks para sa panalo ng Green Archers kontra sa Blue Eagles na pinanood ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin.
Sinandigan din ng La Salle ang Cameroonian import sa depensa nang limitahan ang Ateneo sa 14 points sa first quarter patungo sa kanilang 16-point lead, 51-35, sa halftime.
Nagdagdag naman si Jeron Teng ng 24 points at may 10 markers si Abu Tratter para sa panalo ng Green Archers sa pre-season event.
“He’s overcome rustiness and he’s settled down. He’s got his rhythm, timing and confidence,” sabi ni Aldin Ayo, bagong head coach ng La Salle, sa kanyang foreign recruit.
- Latest