^

PM Sports

NBA player patay sa pamamaril

Pang-masa

DALLAS - Napatay sa isang pamamaril si New Orleans Pelicans guard Bryce Dejean-Jones ma­tapos pasukin ang isang Dallas apartment, no­ong Sabado ng umaga.

Natutulog ang isang la­laki sa kanyang apartment nang marinig niya ang pagsipa ng 23-anyos na si Dejean-Jones sa kanyang pintuan, ayon kay Dallas Police Senior Cpl. DeMarquis Black.

Nang simulang sipain ni Dejean-Jones ang bedroom door ay kumuha ang re­sidente ng handgun at binaril ang NBA player.

Binisita ni Dejean-Jones ang kanyang nobya pa­ra sa kaarawan ng ka­nilang anak.

Bumalik ang kanyang nobya sa apartment at nag­­pahangin sa labas si De­jean-Jones.

Nakatira ang babae sa fourth floor at nagtungo si Dejean-Jones, binisita ang complex sa unang pagka­ka­taon, sa third floor.

“He went to the wrong apartment unfortunately and I think he thought his girlfriend locked him out, so he was knocking on the door, banging on the door, it’s locked,’’ wika ni Nichols.

“So one thing led to another,” dagdag pa nito.

Legal sa Texas na ga­mitin ng isang residente ang kanyang baril kung may magpipilit na puma­sok sa kanyang bahay.

vuukle comment

GOLDEN STATE WARRIORS

NBA

OKLAHOMA THUNDERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with