^

PM Sports

Lady Bulldogs pinatumba ang Laoag sa pagsisimula ng V-League

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinimulan ng National University Lady Bulldogs ang kampanya sa unang game day ng 2016 Shakey’s V-League Open Conference sa pamama­gitan ng isang panalo kon­tra sa Laoag Power Smashers sa iskor na 25-21, 20-25, 25-23, 25-21 kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.

Matapos kunin ng La­dy Bulldogs ang unang set ay bumawi ang Power Smashers sa second set sa likod ng magagandang service.

Ngunit binawi ng Lady Bulldogs ang laro sa pamamagitan ng matin­ding opensa nina setter Jas­mine Nabor at middle Jaja Santiago.

Samantala, nasungkit naman ng Instituto Estetico Manila Volley Masters ang panalo sa unang laro ng Spikers Turf Open Conference laban sa Phi­lip­pine Navy Sailors sa iskor na 25-22, 25-22, 27-25.

Nanguna sa panalo ng IEM si FEU King Tamaraw Greg Dolor na siyang nag-iisang nakaiskor ng double digits sa kanyang 18 puntos, ang anim rito ay mula sa block points.

“Si Greg Dolor at ‘yung mga setters ko nag-step up,” pahayag ni IEM coach Ernesto Balubar. “Magkakilala naman sila ka­ya hindi naging mahirap ‘yung gelling. Madali silang nakabuo ng camaraderie.”

Magpapatuloy naman ang aksyon sa V-League bukas kung saan matutunghayan ang labanan ng Philippine Air Force at Baguio sa alas-4 ng hapon.

Sa ikalawang laro sa alas-6:30 ng gabi ay magtatagpo naman ang pabo­ritong Bali Pure Warriors at Iriga City. FMLumba

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with