^

PM Sports

Gilas cadets, Thailand magpapanagpo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa huli ay ang Gilas cadets team at Thailand pa rin ang maglalaro para sa gold medal ng 2016 SEABA Stankovic Cup sa Bangkok, Thailand.

Awtomatikong naitakda ang titular showdown ng Gilas cadets at Thailand matapos magposte ng 3-0 record.

Nakatakda pang maglaban kagabi ang Gilas cadets at Thailand sa huling laro sa eliminasyon bago ang sagupaan nila bukas para sa korona.

Giniba ng Team Phl ang Indonesia, 83-52 habang inilampaso ng Thailand ang Singapore, 80-28 para sa awtomatiko nilang titular match.

Pag-aagawan naman ng Malaysia at Singapore ang third place trophy at nasibak naman ang Indonesia dahil sa kabiguang manalo sa apat na laro.

Dahil sa kanilang 3-0 record ay kapwa nakakuha ang mga Filipino at Thais ng tiket para sa FIBA-Asia Challenge sa Sept. 9-18 sa Tehran, Iran.

Bagama’t may tiket na sa Tehran tilt ay inaasahan pa ring magbabakbakan ang Gilas cadets at Thailand para sa titulo ng SEABA Stankovic Cup.

Ipinakita ng mga Thais ang kanilang husay nang durugin ang Indonesia, 89-44; Malaysia, 85-66; at Singapore, 80-28.

Ilan sa mga players na dapat bantayan ng Gilas cadets ay sina big men Chanachon Klahan at Teerawat Chanthachon at guards/forwards Nakorn Jaisanuk, Chitchai Ananti at Kannut Samerjai.

Ang iba pang koponang maglalaro sa 10-team Asian joust ay ang reigning FIBA Asia champion China at host Iran.

Dalawa pang qualifiers mula sa West Asia at tig-isa buhat sa Central Asia, East Asia, South Asia at Gulf region ang hinihintay.

Ang FIBA Asia Challenge ang unang hakbang sa qualifying process para sa 2017 FIBA Asia Cup na sasalihan ng mga tropang mula sa FIBA Asia at FIBA Oceania sa unang pagkakataon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with