^

PM Sports

DLSU volleybelles magsasama-sama sa Superliga

Louella Desiderio - Pang-masa
DLSU volleybelles magsasama-sama sa Superliga
Abby Maraño, Mika Reyes, Cyd Demecillo, Kim Dy, Kim Fajardo, Ara Galang

MANILA, Philippines – Maaaring magsama-sama uli ang mga dating women’s volleyball players ng La Salle sa 2016 Philippine Superliga All Filipino Conference.

Nasasabik si 3-time UAAP champion Abigail Maraño  na maglaro sa PSL dahil aplikante ang mga dating kasama sa La Salle  sa nalalapit na PSL Rookie Draft sa May 27 sa SM Aura, Taguig.

Aakyat ng Superliga ang mga alumni na sina Mika Reyes at Cyd Demecillo kasabay nina Kim Dy at Kim Fajardo. Maaari ring maging kakampi ni Maraño si Ara Galang sakaling piliin nitong pumirma ng kontrata sa F2 Logistics at hindi na dumaan pa sa draft.

“Siyempre, sobrang saya kasi hinintay ko talaga yung panahon na ‘to na magkikita-kita ulit kami, magiging magkakampi,” pahayag ni Maraño sa isang panayam sa katatapos na PSL Draft Camp sa FilOil Flying V Arena sa San Juan noong Martes.

“Sila yung pamilya ko. Galing akong La Salle, sila yung mga anak-anakan ko, mga teammates ko. Kumbaga kahit anong klaseng hininga or tinginan sa court alam na namin bawat isa, kilos ng bawat isa, character ng bawat isa,” dagdag ni Maraño. “So I’m really, really excited to be playing with these ladies again.”

Nakalaban ni Maraño ang mga draft aspirants sa isang friendly match noong Martes kasama ang PSL All-Stars team.

Umaasa si Maraño na madadala ng mga kakampi nito mula La Salle ang  winning tradition sa F2 Logistics, na pinamumunuan rin ni coach Ramil De Jesus.

“Siyempre. I’m hoping din na sabay-sabay ka-ming umangat, sabay-sabay din kaming mag-grow, ma-develop pa ‘yung skills namin and ‘yung strength nung team dito sa PSL lalo na magkakasama ulit kami and we’ll be handled by coach Ramil, our very own coach Ramil,” ayon kay Maraño.

vuukle comment

PHILIPPINE AIRLINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with