^

PM Sports

PSL Beach Volley lalarga bukas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbabalik aksyon ang Philippine Superliga (PSL) bukas sa pagbubukas ng 2016 PSL Beach Volleyball Challenge Cup.

Gaganapin ang torneo sa Sands SM By The Bay sa SM Mall of Asia sa Pasay City sa ikalawang sunod na taon.

Ngayong taon, bubuuin ng 14 koponan ang women’s division, habang siyam na koponan naman ang magla-laban-laban sa men’s division.

 Magkakaroon ng apat na bracket sa women’s division--dalawa rito ay may tatlong pares habang dalawa ang may apat na pares, kung saan ang top-two sa bawat bracket ay aabante sa quarterfinals, habang may dalawang bracket naman sa panig ng men’s division kung saan apat na pares sa isa, at limang pares sa kabila at ang top two rin sa bawat bracket ay papasok na sa semifinals.

Muling lalahok sa torneo sina Danika Gendrauli at Norie Jane Diaz na siyang nag-uwi ng titulo noong nakaraang taon.

Makakapareha ngayong taon ni Diaz si Pau Soriano para sa Standard Insurance-Philippine Navy habang makakasama naman ni Gendrauli si Aby Maraño para sa F2 Logistics.

Muli ring mapapanood sa torneo sina Patty Jane Orendain at April Rose Hingpit habang kabilang sa mga sasali sa unang pagkakataon sina Aiza Maizo-Pontillas, Jovelyn Gonzaga, Nene Bautista, Florence Madulid, Cherry Rondina, Ces Molina, Bang Pineda.

Ang mga schedule ng laro  ay May 7, May 14, May 22 at ang Finals ay sa May 29. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with