^

PM Sports

Triple Crown test idinaos sa Sta. Ana

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang karera ang ginawa para magsilbing dry-run para sa gaganaping Triple Crown stakes race na sisimulan sa Mayo 15 sa Santa Ana Park sa Naic Cavite.

Naganap sa unang karera para sa mga three year old handicap-3 at ang mga sumali ay ang Charlord, Contessa, Secret Kingdom, Yes Kitty, Super Ecstatic at Mahayana Budur.

Sa karerang ito ay pinatok ng mga racing experts ang Secret Kingdom na pinatungan ni Jeffrey T. Zarate.

Hindi naman nabigo ang mga backers nito nang magwagi ang kabayo sa 1,600 metro distansiyang karera.

Sa ganitong distansiya ang unang yugto ng triple crown kaya dalawang karera na para sa mga three year old horses ang nailarga.

Ang ikalawang karera ay para sa mas mataas na grupo dahil ito ay merging ng  handicap-4/5/6.

Katulad sa naunang karera ay may pinatok rin  ng mga clockers ang  Dance Again na si Mark A. Alvarez ang namatnubay.

Sumablay si Dance Again na pang-apat lang kung saan ang nagwagi ay ang malayong third choice na si Subterranean River na dinala ni Antonio B. Alcasid Jr.

Nasegundo pa rito si Real Flames ni R.G. Fernandez bago ang coupled runner na Subterranean River na si Mount Iglit.

Ang  Secret Kingdom at Dance Again ay matunog na panlaban para sa Triple Crown. Ang Secret Kingdom ay nangibabaw sa kanyang grupo, samantalang ang Dance Again ay napalaban ng husto.

Sa kaagahang bahagi pa lamang ng karera ay nagbigay na ng matinding hamon ang Most Trusted kung kaya’t pinangapusan ito sa pagsungaw ng rekta.

Sa tiyempo ay hindi gaanong impresibo ang 1:45.6 clockers para sa milyang  distansiya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with