^

PM Sports

Magandang line-up nailatag sa handicapping section

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mainam ang line-up na naihatag ngayon ng handicapping section ng Metro Turf racetrack sa Batangas.

Sampu ang mga pakarera na katatampukan ng Phil­racom-MMTCI summer racing festival gayundin ang pasasalamat sa District-4 ng Maynila races.

May natira ring paumento ang Metro Turf.

Ito ay ang pentafecta P22,676.76 carry over na naka­handa sa unang karera.

Walo ang entries pito-pito lang sa numero.

Kung sakaling magkaroon ng scratch, ay magi­ging cancelled na ang pentafecta, pero may kasunod na pentafecta race sa ikalawa at dito ay siyam naman ang tatakbo kaya matutuloy rin ang ligaya.

Mas malaking P142,859.38 carry over naman sa su­per six ang maaasinta sa ikatlong karera.

Dito ay may 12 kalahok pero 10 lang sa numero dahil sa dalawang coupled runners.

Dahil na rin sa iba-iba ang napipisil ng mga ra­cing experts ay may posibilidad na magkaroon ng panibagong carry over sa larong super six. At siguradong iyan ay mapaglalaruan sa kasunod na karera.

Dito sa ikaapat na ka­rera ay kum­pleto tayo sa 14 numero.

Pero may nagkakaisang napipisil ang mga ti­­yempistas.

At magiging me­nos ang tayaan kapag nai-ban­ker natin ito at lima na lamang ang pipiliin na magiging kasunod niya.

Nitong nakaraang Huwebes ay nagkaroon ng carry over ang super six sa halagang P445,844.76 sa huling karera ng Santa Ana Park.

Nagkaroon man ng isang scratch entry ay na­tuloy pa rin ang tayaan pa­ra sa super six.

Gayunman, ang kum­bi­nasyong 4-8-7-9-3-6 na binuo ng mga kaba­yong Jazz Asia, Against All Odds, Blue Sapphire, Minotaur, Wafu The King at Mayon Volcano ay nasapol na ng mga karerista.

Nagka-dibidendo pa ang mga liyamadista ng ma­higit sa limang libong piso kada P2 ticket. (JMacaraig)

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with