Beach volleyball sa Pista’y Dayat Festival
MANILA, Philippines - Muling magdaraos ng isang beach volleyball competition bilang main event ng selebrasyon ng Pista’y Dayat Festival sa Capitol beachfront sa Lingayen, Pangasinan.
Kabuuang sampung koponan ang kasali, limang teams mula sa Manila at limang teams mula sa Pangasinan ang maglalaban-laban para sa dalawang araw na torneo.
Kabilang sa mga dadayong beach volleybelles ay sina Rhea Fermilan-Javen Sabas, Shaira Hermano, Niella Ramilo, Mariebet Resonda, Julie Ann Jose. Jennifer Manzano, Judy Caballejo, Jessa Aranda at Jona San Pedro.
Ang Pista’y Dayat ay thanksgiving festival na idinaraos ng Lingayen, Pangasinan para sa masaganang ani mula sa karagatan.
Bukod sa beach volleyball, mayroon ding Car Motor Show sa umaga at paboksing sa hapon.
Idaraos naman ang Skateboarding Competition bukas at ang Search for Mr. & Mrs Beach Body, Pop Fiesta at Night Job Market bilang pagdiriwang ng Labor Day.
- Latest