^

PM Sports

Blazers, Hornets nakatutok sa semis

Pang-masa

PORTLAND -- Nang huli silang umuwi ay kapwa nagpipilit ang Portland at Charlotte na manalo ng laro.

Ngayon ay hangad ni­lang manalo sa serye.

Mula sa tatlong sunod na panalo, makikipaglaban ang Trail Blazers at Hornets sa tiket para sa second round sa pamama­hala nila sa Game 6 nga­yon.

“It’s hard to keep your focus in closeouts,” sabi ni Los Angeles Clippers’ coach Doc Rivers. “That’s typically why Game 7s are played so well, because no one is thinking about it anymore.”

Maaaring sibakin ng Blazers ang Clippers, habang pupuwersahin ng Hornets na patalsikin ang Miami Heat.

Nauna nang nakalapit ang Clippers at Heat sa pag-abante sa conference semifinals, subalit nga­yon ay pareho silang nasa panganib.

Puwede na ring tapusin ng Toronto Raptors ang kanilang serye ng Indiana Pacers sa Indianapolis.

Maglalaro ang Blazers at Hornets sa sarili nilang mga gusali at hangad na mapasama sa listahan ng mga koponang nakaba­ngon mula sa 2-0 deficit para ipanalo ang kanilang seven-game series.

Tanging 16 teams ang nakakagawa nito, ang huli ay ang Memphis Grizzlies laban sa Clippers noong 2013.

Noong 2014 ay nasa pa­rehong sitwasyon din ang Toronto nang kunin ang 3-2 lead laban sa Brooklyn Nets.

Nakuha ng Nets ang Game 6 ang Game 7 sa Air Canada Centre.

Kaya alam na ng Raptors ang kahalagahan ng Game 6.

“You’ve got to treat this like Game 7. You’ve got to come out fighting,” wika ni Raptors coach Dwane Casey. “We know their backs are against the wall. We can’t go and get ambushed. We’ve got to go in with our high beams on, laser-like focus from the start of the game to the end of the game.”

Sinabi ni Pacers’ star Paul George, umiskor ng 39 points sa Game 5, na handa siyang maglaro ng 48 minuto kung ki­nakailangan para maipa­na­lo ang kanyang tropa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with