^

PM Sports

Hawks pinatalsik ang Celtics sa 1st round

Pang-masa

BOSTON -- Ito na ang pinakamagandang re­gular season ng Atlanta Hawks sa kanilang franchise history matapos ma­talo sa Cleveland Cavaliers sa nakaraang Eas­tern Conference finals.

Muli silang magkakaroon ng tsansang res­ba­kan ang Cavaliers sa se­cond round ng NBA playoffs.

Umiskor si Paul Millsap ng 17 points at humakot ng 8 rebounds para pangunahan ang Hawks sa second round sa bisa ng 104-92 panalo sa Cel­tics sa Game 6 ng ka­ni­lang serye.

Nagdagdag sina Al Hor­ford at Kent Bazemore ng tig-15 points pa­ra sa Hawks, nakamit ang una nilang playoff series win laban sa Boston sapul nang gibain ng St. Louis Hawks ang Celtics noong 1958 Finals.

“Good to finally beat them,” sabi ni Hawks point guard Jeff Teague, mi­yembro ng Atlanta no­ong 2012 na natalo sa Bos­ton sa first round. “It feels good.”

Sasagupain ng Hawks ang Cavaliers sa second round na magsisimula sa Lunes sa Cleveland.

Ito ang ikatlong sunod na nasibak ang Boston sa first round ng playoffs.

Nagmula sa 27-point win sa Game 5, sinaman­tala ng Hawks ang ma­lamyang shooting ng Cel­tics kung saan sila na­kapagtayo ng 28-point lead.

Tuluyan nang pinalaki ng Atlanta ang kanilang kalamangan sa Boston sa pagpoposte ng 39-point ad­vantage sa third quarter.

“I think we learned from before with this team that no lead is safe,” sabi ni Horford. “To start the third it was important for us to get off to a good start and just keep attacking and have that menta­lity of keep attacking play after play.”

“I felt we did that con­sistently in the third and that was the big diffe­rence,” dagdag pa ng sen­tro.

Nakalapit ang Celtics sa 10 points, ngunit isinara na ng Hawks ang pintuan ng kanilang pag-asa.

Pinamunuan ni guard Isaiah Thomas ang Boston sa kanyang 25 points, ngunit halos ang karamihan dito ay iniskor niya sa second half.

Nagdagdag si forward Jae Crowder ng 15 points para sa Boston.

Sa kabuuan ng laro ay ang Hawks ang naki­nabang sa kawalan ng kon­trol ng Celtics.

Naglaro ang Celtics sa second half na wala si Crowder.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with