Gavina pinalitan si Victolero bilang coach ng Mahindra
MANILA, Philippines - Ang pagkakaroon ng problema sa kalusugan ang sinabing dahilan ni coach Chito Victolero kaya siya umalis sa Mahindra.
Ito ang pahayag ni team manager Eric Pineda kaugnay sa biglaang pagbibitiw ni Victolero sa Enforcers.
Ayon kay Pineda, tumataas ang blood pressure ni Victolero tuwing may laro ang Mahindra.
Ngunit sinasabing nakasagutan ni Victolero ang managament at si team consultant Joe Lipa kaya ito umalis sa kanyang posisyon.
Bilang kapalit ni Victolero, dating PBA guard at kamador ng Mapua Cardinals sa NCAA, ay kinuha ng Enforcers si conditioning at skills coach Chris Gavina.
Si Gavina ay dating miyembro ng coaching staff ng Globalport matapos maging isang undrafted player noong 2003 PBA rookie draft.
Samantala, isinabit na ni 2004 top overall pick Rich Alvarez ang kanyang basketball uniform para maging apprentice sa coaching staff ng Mahindra.
Kaugnay naman sa paglalagay ng Enforcers kina guards Karl Dehesa at LA Revilla sa trading block, sinabi ni Pineda na wala pa itong katiyakan kung matutuloy.
- Latest