^

PM Sports

Handa na ang Rio De Janeiro para sa 2016 Olympics

Pang-masa

RIO DE JANEIRO – Inilunsad noong Miyerkules ng Rio de Janeiro ang 100 day countdown para sa pagho-host ng Olympic Games kung saan iginiit ng gobyerno at ng mga  global sports leader na kaya nilang ayusin ang political meltdown sa naturang bansa at ang problema sa preparasyon.

Sa seremonyang may temang Athens, tampok ang mga Greek goddess costumes, sinindihan ng  mga Brazillian organizers ang Olympic flame para sa pagsisimula ng pagla-lakbay nito na pagpapasa-pasahan ng 12,000 katao sa buong Brazil.

“Rio is ready to make history, pahayag ni Carlos Nuzman, presidente ng Rio 2016 Organizing Committee sa pagpapasa ng torch.

Para simulan ang 100 day countdown, sumayaw ang mga New Zealand athletes ng traditional Haka dance sa isang beach sa Aukland  sa pagsikat ng araw.

May mga gusali naman sa iba’t ibang dako ng mundo ang nagsindi ng iba’t ibang kulay ng ilaw tulad sa Tokyo municipal headquarters sa Japan na gumamit ng kulay ng Brazil na berde at dilaw at sa Empire State Building sa New York na gumamit ng kulay ng USA flag na red, white at blue.

Ang ibang bansa ay nagpakita ng kanilang Olympic uniforms tulad ng Britain na idinisenyo ni Stella McCartney at US team na gawa ng Ralph Lauren.

Dahil sa magagandang bundok, beach ng Brazil bukod pa sa mala-king Christ the Redeemer statue, inaasahang magiging magarbo ang pagdaraos ng Rio Games.

Ngunit kahit sinasabi ng pamahalaan ng Brazil at ng International Olympic Committee na 98% complete na ang mga venues, marami pa rin ang hindi naniniwala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with